Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Umaga palang ay
dinadagsa na ng mga botanteng magpapa-biometrics ang opisina ng Commission on
Elections (COMELEC) Malay para sa 2016 elections.
Ayon kay Malay
COMELEC Officer II Elma Cahilig, inaasahan na umano nila ang ganitong klaseng
eksena kung saan dinadagsa ang kanilang opisina tuwing malapit na ang deadline
ng registration.
Sinabi nito na
inoobliga ang lahat ng rehistradong botante na magpa-biometrics sa ilalim ng
Republic Act 10367.
Karamihan naman
umano sa mga botante ay galing sa isla ng Boracay kung saan grupo-grupo ding
mga Muslim mula sa isla ang sumailalim sa biometrics registration.
Nabatid, na
walong araw nalang ang natitira para sa mga botante na nais magpaparehistro
para sa darating na eleksyon kung saan kung sino ang hindi magpapa-biometrics
ay tatanggalin ng Comelec sa listahan.
No comments:
Post a Comment