Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sugat sa
ibat-ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang 9-anyos na batang babae matapos
itong aksidenteng masagasaan sa Sitio Tambisaan, Brgy, Manoc-manoc, Aklan.
Nakilala ang
biktimang si Mary Dennise Lao, ng nasabing lugar.
Ayon sa reklamo
ng ama ng biktima sa Boracay PNP, habang papunta umano ang menamanehong
multicab ni Albert Lumbo sa nasabing lugar ay aksidente nitong nasagasaan ang
anak habang patawid sa kalsada.
Nabatid na hindi
namalayan ng suspek ang biktima dahil umano sa may naka-park na sasakyan sa
kaliwang bahagi ng kalsada sa harap ng kanilang bahay.
Mismong ang
suspek naman ang nagdala sa biktima sa pagamutan ngunit agad naman itong dinala
sa isang hospital sa bayan ng Kalibo.
Sa ngayon ang
multicab na menamaneho ng suspek ay kasalukuyang naka-impound sa Brgy. Hall ng
Manoc-Manoc.
Samantala, si
Lumbo naman ay naka-piit na ngayon sa Boracay PNP Station habang inaantay kung
magsasampa ng kaso rito ang pamilya ng biktima.
No comments:
Post a Comment