Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tulad ng nakasanayan muling naka-alerto ang Aklan
Provincial Police Office (APPO) laban sa pagsilabasan ng Budol-Budol Gang sa
probinsya.
Katunayang nitong nakaraang linggo isang 81-anyos na ginang
ang nabiktima sa bayan ng Kalibo matapos na mag-widraw ng pera sa isang bangko
sa nasabing bayan.
Ayonkay Public Information Officer P03 Nida Gregas,
paboritong biktimahin ng nasabing grupo ang mga senior citizen na mula sa
bangko at simbahan ngayong “Ber” months.
Dahil dito pinaalalahan ni Gregas ang publiko na huwag
basta bastang maniniwala sa hindi kakilala lalo na ang mga senior citizen na
umaalis mag-isa.
Ang APPO at mga municipal police sa lalawigan ay todo
alerto na rin sa muling pagsalakay ng mga may modus-operandi ngayong nanalapit
na Holiday Season.
No comments:
Post a Comment