Posted
October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante,YES FM Boracay
Hindi lang umano ngayong magpo-pokus sa front beach at sa
ibang pangunahing lugar sa isla ang atensyon ng mga law enforcers sa Boracay.
Ito ang napag-usapan sa ginanap na dialogue nitong linggo
sa isang resort sa back beach Boracay kasama ang ilang miyembro ng Bolabog
Beach Community.
Sa pangunguna ni Adviser/Consultant Com Leonard Tirol ng
Boracay Action Group nagpatawag ito ng meeting para sa ikakasang seguridad sa
nasabing lugar.
Kasama naman sa mga dumalo rito si BTAC OIC PSI Fidel
Genatallan, Police Inspector Andre Glenn Mangubat at SPO2 Caporal ng Maritime
Group, Mike Labataio ng Boracay Life Guard at Philippine Coast Guard Boracay.
Dito napag-usapan ang paglatag at ang planong paglalagay
ng mga nag-pagpapatrolyang law enforcers sa Bolabog beach lalo na sa oras ng
gabi.
Nabatid na ang nasabing beach ay isa sa mga mataong lugar
sa Boracay dahil sa pagkakaroon ng mga water sports activity, bar,
boardinghouse at mga kabahayan.
Samantala, layon umano ng nasabing pagpupulong ay
maprotektahan ang security at community members sa lugar.
No comments:
Post a Comment