Posted September 4,
2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling nagsagawa ng Pulis Ko, Titer Ko Program ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC0 sa ika-anim na taon sa Manoc-manoc Elementary School sa Boracay kaninang umaga.
Ito ay pinangunahan ni PSI Fidel Gentallan at PINSP Joey Delos Santos ng Boracay PNP kasama si Democrito Barrientos II, School Principal I ng nasabing paaralan.
Nabatid na ang programang ito ay proyekto ng PNP-PRO6 at Department of Education Western Visayas kung saan layunin nito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral kaugnay sa mga batas at gumawa ng tama sa kinakaharap na maaari nilang madala sa kanilang pagtanda.
Ang Pulis Ko Titser Ko ay muling isasagawa sa susunod na linggo sa nasabi ring paaralan kung saan pag-uusapan dito ang good values, patriotism at nationalism.
Samantala, maliban sa Men and Women ng BTAC, meron din silang Pulis Ko Tister Ko Volunteers mula sa Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter sa pangunguna ni Marlo Schoenenberger.
No comments:
Post a Comment