Posted September 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na ngayon mahagilap ng dalawang Deutsch national na
babae ang kanilang mamahaling gamit matapos na nilooban ang kanilang inuupahang
kwarto sa isang hotel sa station 3 Boracay.
Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang mga
biktimang sina Nina Hilde Gassauer 29-anyos at Anna Viktoria Wagner 19-anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis nadatnan nalang
umano ng mga biktima na wala na ang kanilang mga gadget na dalawang Macbook,
iphone 6 at 5 at isang sunglasses.
Ayon kay Gassauer iniwan umano nila ang kanilang kwarto
alas-6: 30 ng gabi kahapon at ang lahat ng naturang mga gamit ay naiwan doon sa
loob ng kwarto bago sila umalis.
Samantala, sa ginawang follow-up investigation ng mga
pulis sa lugar ng insidente pinilit umanong sirain ng mga magnanakaw ang pinto
ng nasabing kwarto.
Napag-alaman din na walang naka-duty na security guard at
front desk sa nasabing hotel ngunit mayroon naman umanong naka-install na CCTV
sa building bagamat hindi naman ito gumagana.
No comments:
Post a Comment