Posted September 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang inaabangan Aklan Tourism week celebration2015
ngayong darating na Setyembre 14 hanggang 19.
Ito ay inorganisa ng Aklan Tourism Officers Association
(AkTOA) at Aklan Provincial Tourism Office (APTO).
Kabilang sa mga inaabangan na aktibidad ay Tinda Turismo,
Tourism Quiz Bee, Sabor Akean –Cooking Challenge, Tourism Awareness Seminar, Bisikleta
Karera, CSR Activity at AkTOA Fellowship.
Ang nasabing mga aktibidad ay gaganapin naman sa Aklan
Trade Hall sa bayan ng Kalibo, Training Center, at sa Malinao – Lezo – Numancia
para naman sa Bisikleta Karera.
Nabatid na ito ay taunang ginagawa ng mga tourism
officials sa probinsya para ipakita ang pagpapahalaga at pangangalaga sa
turismo ng lalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment