Posted September 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng Local Government Unit ng Malay ang pagpasa
nila sa 2015 Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local
Government (DILG).
Dahil dito pinasalamatan at binati ni SB member Jupiter
Gallenero sa ginanap na SB Session ngayon Martes ang mga kasamahan nito sa
konseho lalo na sa pamumuno ni Mayor John Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito.
Nabatid na ang bayan ng Malay kasama ang Banga, Ibajay at
Provincial Government ng Aklan ay pumasa sa core assessment areas na (Good
Financial Housekeeping, Social Protection at Disaster Preparedness).
Kasama rin dito ang minor essential assessment areas na
(Business-friendliness at Competitiveness, Peace at Order, at Environmental
Management).
Kaugnay nito ipinaliwanag naman ni Malay Local Government
Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes sa kanyang ginawang presentasyon
sa Session kung paano at kung anong mga batayan ang ginawa ng DILG para
makapasa ang mga nasabing bayan.
Samantala, ngayong Setyembre ay nakatakdang igawad ang
parangal na nakuha ng tatlong bayan at provincial government ng Aklan na
inaasahang igagawad ni DILG Secretary Mar Roxas.
No comments:
Post a Comment