Posted September 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tagumpay ang naging partisipasyon ng Malay Tourism Office
at Aklan Province sa pakikipagtulungan ng Boracay Foundation Inc. (BFI) sa kakatapos na Philippine Travel Mart sa SMX sa SM Mall of
Asia.
Nagtagal ang nasabing Travel Mart ng apat na araw kung
saan dito ipinakita ang ibat-ibang tourism site at mga produkto ng bawat
probinsya na lumahok sa nasabing event.
Nabatid na ang lalawigan ng Aklan ay isa sa mga hinangaan
dahil sa magandang booth nito kung saan makikita ang sikat na man maid sand
castle, fiƱa fiber at iba
pang produkto at tourism site ng probinsya.
Layunin ng Travel Mart na maipakita ang pagsuporta sa
tourism industry ng bansa upang makaingganyo ng madaming turista local man o
international tourist.
Samantala, nakibahagi rin sa Travel Mart ang Local
Government Officials ng Malay kasama na si Vice Governor Bellie Calizo Quimpo
at DOT Region 6 Director Atty. Helen Catalbas.
No comments:
Post a Comment