Posted September 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Humihingi ngayon ng tulong ang mga residente ng Sitio.
Pina-ungon, Ibabaw Boracay matapos silang maapektuhan ng nagpapatuloy na land
dispute.
Sa social media partikular sa facebook ay nagkalat ang
mga larawan ng mga kabataan na may hawak-hawak na karatula na nagsasabing “No
to land Dispute” at protect Boracaynon kung saan naka-atensyon naman ito sa Commission
on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at Department of
Interior and Local Government (DILG).
Nabatid na nitong nakaarang araw ng magsimula ang
naturang land dispute sa pagitan ng pamilya ng mga Tirol at Tapuz.
Napag-alaman na pinabukaran ng mga Tirol ang lugar na
sinasabing kanila umanong mga lupain kung saan nasakop maging ang mga
kabahayaan sa Pinaungon.
Sinasabi din na naglagay ng tinatayang isang daang
security guard ang Tirol sa lugar kasama ang mga construction worker na may
dala umanong patalim.
Samantala, nagpadala na rin ng mga pulis ang Aklan
Provincial Police Office kasama ang Philippine Army at ilan pang law enforces
para pahupain ang tensyon sa nagaganap na land dispute at para masiguro ang
seguridad ng mga residente sa lugar.
No comments:
Post a Comment