Pages

Thursday, September 03, 2015

3.5 milyong halaga ng mga ari-arian naabo sa sunog kagabi sa manoc manoc Boracay

Posted September 3, 2015
Ni Dinnes Young, YES FM Boracay

Tinatayang aabot sa P3.5 milyon ang halaga ng nasunog na bahay at mga produkto sa naganap na sunog dakong alas otso y media, sa brgy.manoc-manoc Boracay kagabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay fire protection unit sa pamumuno ni Chief Inspector Stephen Jardeleza, electrical overload sa second floor ng establisyemento ang pinagmulan ng sunog.

Ang bahay ay pag mamay-ari ni Corsino Pelayo na inuupahan naman ng negosyanteng si Leo Rufino.

Paglalarawan pa ni Jardeleza, agad silang rumesponde ngunit nang abutan nila ang bahay ay pabagsak  na ang pangalawang palapag  dulot ng lumalagablab na apoy.

Naubos din ang lahat ng produktong gulay, canned goods at iba pang groceries sa stock room ng chee lee store sa ground floor ng gusali.

Katuwang naman ng Boracay special fire protection unit ang tatlong tanker ang BIWC, Philippine Red Cross, at kabalikat Civicom upang agad na maapula ang apoy.

Dineklarang fire under control and sunog dakong 8:44 at nadeklara itong fire out bandang alas-10 na ng gabi.

No comments:

Post a Comment