Posted September 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na pinalagpas ni Boracay Island Administrator Glen
Sacapaño ang mga illegal fish vendor sa Boracay dahil sa paulit-ulit na pagsuway
ng mga ito sa ordinansa ng LGU Malay.
Ayon kay Sacapaño pangit sa mata ng mga turista ang mga
nakahilirang binibintang isda sa Bloomfield area kung saan wala umano itong mga
permit at matapang pa kung sinusuway ng mga nanghuhuli.
Aniya, mabaho na umano ang nasabing lugar dahil doon lang
din nila mismo itinatapon ang tubig na pinagbabaran ng isda maliban sa wala itong
maayos na sanitasyon.
Sinabi pa nito na matagal na silang nagbibigay ng warning
sa mga nagbibinta ng isda sa naturang lugar dahil meron naman umanong ispasyo
kung saan silang puweding magbinta katulad ng Talipapa at ibang market sa isla.
Samantala, iginiit naman ni Sacapaño na hindi bawal ang
pag-nenegosyo bastat nasa tama at sumusunod sila sa ordinansa ng LGU Malay
dahil sa madami na umano ngayon ang kinakaharap na problema ng isla lalo na sa
trapik kung saan nakikisabay pa umano ang mga ito.
Samantala, kahapon ay sinarado na ng Municipal Auxiliary
Police (MAP) Boracay ang lugar kung saan nagbebenta ang mga nasabing
negosyante.
No comments:
Post a Comment