Pages

Thursday, September 03, 2015

Aklan Governor Miraflores, dawit sa bagong P500M pork scam

Posted September 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for pork barrel scam philippinesPanibagong reklamo ngayon ang kinakaharap ni Aklan Governor Florencio Miraflores kaugnay sa P500M pork scam.

Kasama si Florencio sa 20 na dati at mga kasalukuyang mambabatas na pinaiimbestigahan ni Atty. Levito Baligod dahil sa umano'y pagkakadawit sa kahalintulad na pork barrel scam na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles.

Kabilang din sa isinangkot sa reklamong malversation sa Ombudsman sina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at dating senador Edgardo Angara dahil sa umano'y paglalagak ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga kdwestyonableng non-government organization (NGO), mula 2007 hanggang 2010.

Si Miraflores at mga kasama nito ay hindi umano konektado sa mga NGO ni Napoles na siyang itinuturong utak ng P10 bilyon scam.

Si Miraflores na dating Congressman ay gumastos ng P25 million na may Saro number na ROCS-07-00722, ROCS-0608146, ROCS-07-03483, ROCS-07-07405, ROCS-08-00420 para sa Center for Mindoro Integrated Development Foundation at Uswag Guimaras Foundation at suppliers.

Matatandaang dawit din noong 2014 sa 67 kongresista si Miraflores sa Pork Barrel Scam ni Janet Lim Napoles kasama ang 12 senador. 

Idiniin naman ni Baligod na tulad ng plunder ay hindi maaaring maghain ng piyansa sa malversation.

Samantala, sinubukan ng himpilang ito na kunin ang pahayag ni Miraflores ngunit wala pa umanong silang natatanggap na sulat kaugnay sa P500M pork scam.

No comments:

Post a Comment