Pages

Wednesday, August 05, 2015

Philippine Red-Cross Boracay-Malay Chapter magsasagawa ng blood letting activity bukas

Posted August 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Image result for PRC  blood letting activityDahil sa layuning makatulong sa komunidad, isang blood letting activity ang isasagawa ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter bukas araw ng Miyerkules.

Ito ang magiging kauna-unahang blood donation ng PRC para sa buwan ng Agosto na magsisimula bukas ng alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa kanilang opisina sa Ambulong Manoc-manoc.

Layun ng Red-Cross na makalikom ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito kung kayat hinihikayat nila ang lahat ng mga nais mag-donate ng dugo na makisali sa kanilang aktibidad.

Kaugnay nito muling paalala ng Red-Cross sa mga gustong mag-donate ng dugo na kailangan may sapat silang tulog, hindi naka-inom ng alak at gamot sa nakalipas na 24-oras, hindi nakakain ng mamantikang pagkain at walang menstruation period.

Maliban dito mahigpit na ipinagbabawal ng Red-Cross ang pag-donate ng dugo ng may history ng epilepsy, psychotic disorders, abnormal bleeding tendencies, severe asthma at cardio vascular disorder.

No comments:

Post a Comment