Posted August 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit to Felix Delos Santos |
Inaasahan umano ni J Xaing Wang CEO ng Ciwong.com na
maisasakatuparan ang kanilang kahilingan na makapag-invest ang Asian Pacific
TESOL Society (APTESOL) sa Boracay.
Ito’y matapos siyang makipagdayalogo sa Local Government
Unit ng Malay sa ginanap na conference kahapon para sa Teachers Training
Workshop sa Shangri-La Boracay na dinaluhan naman ng mga guro mula sa bansang
China.
Nabatid na nagtungo ang grupo ni Wang sa Boracay para
mapalawak ang kaalaman ng mga Chinese Teachers sa English at scholar maging ang
mga Universidad at bansang kasama sa Pacific Rim kung saan layun nilang
e-expand ang kanilang proyekto sa isla upang makapaglikha ng maraming job
opportunities lalo na ang mga mahilig sa online teaching.
Ayon pa kay Wang sakaling maitayo ito sa bansa partikular
sa isla ay malaking tulong ito sa mga mamamayan kung saan triple ang magiging
sahod ng mga guro para rito.
Kaugnay nito nakasalalay naman sa magiging desisyon ng LGU
Malay ang nasabing usapin at kung maaaprobahan ba ang kanilang kahilingan na
makapag-invest sa Boracay.
Samantala, ito ang kauna-unahang nagtungo ang APTESOL ng
ciwong.com sa Pilipinas lalo na sa isla ng Boracay para sa nasabing proyekto.
No comments:
Post a Comment