Pages

Wednesday, August 05, 2015

Salaam Police sa Boracay ipapatawag sa SB Session ng Malay

Posted August 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Salaam Police
www.youtube.com
Ngayong darating na linggo ay nakatakdang ipatawag sa Sangguniang Bayan Session ang Salaam Police na nag-ooperate sa isla ng Boracay.

Ito ay matapos na usisain ni SB Member Floribar Bautista sa mga nakaraang Session ng Malay ang tungkol sa operasyon ng Salaam Police kung saan wala umano itong deriktiba sa kanila.

Ayon naman kay SB Member Jupiter Gallenero base umano sa kanyang pagtatanong kay PO3 Christopher Mendoza ng Boracay PNP tungkol sa pagtalaga ng Salaam Police sa isla ay may direktiba umano ito mula sa kanilang higher headquarters.

Dagdag pa ni Gallenero ang Salaam Police umano ay base na rin sa mandato ni Pangulong Noynoy Aquino kung saan inuutusan nito ang mga Regional Police na magtalaga ng Salaam Police sa mga lugar na mayroong Muslim community kung saan isa na nga rito ang isla ng Boracay.

Samantala, bilang pormal na pagkilala nais paring imbitahan ng konseho ang Salaam Police sa Session ng Malay kasama na ang Presidente ng Muslim community sa Boracay at si PO3 Christopher Mendoza ng BTAC-PCR o Police Community Relations para alamin pa ang kabuuang operasyon nito sa isla.

Nabatid na halos limang taon na ring nawala ang Salaam Police nang umupo bilang hepe ng Boracay PNP si P/Supt. Rolando Vilar kung kaya’t na reactivate ang nasabing grupo ng ginanap ang APEC Ministerial Meeting sa Boracay nitong buwan ng Mayo.

No comments:

Post a Comment