Pages

Friday, August 07, 2015

Lider ng NPA na si “Ka Concha’ ikinulong sa Aklan BJMP

Posted August 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kulunganHimas rihas sa Aklan BJMP sa Brgy. Nalook, Kalibo si Maria Conception “Ka Concha” Araneta Bocala ang secretary-general ng Communist Party of the Philippines (CPP) Panay Regional Party Committee.

Ito ay matapos siyang maaretso noong nakaraang Sabado sa Calumpang, Molo, Iloilo City base sa inilabas na warrant of arrest sa kasong murder ng Branch 2, Aklan RTC.

Ang 65-anyos na si Ka Concha ay nahaharap sa kasong pagpatay sa biktimang si Metodio Inisa noong Setyembre 17, 1975 sa Brgy. Panipiason sa bayan ng Madalag, Aklan kung saan kasama rin sa mga suspek rito ay ang dalawa pang miyembro ng CPP-NPA na si Roberto alyas “Ka Iking” at “Noel”.

Napag-alaman na sinamapahan din ng kasong illegal possession of firearms and explosive sa korte ng Iloilo si Bocala matapos na makuha sa posisyon nito ang isang granda, baril at mga bala.

Nabatid na si Bocala na bahagi ng CPP-NPA central committee ay may patong sa ulo na umaabot sa P7.5 million kung saan may kinakaharap rin itong kasong rebelyon na isinampa may 15 taon na ang nakaraan.

Samantala, napag-alaman na ipinipilit naman ni Ka Concha na iligal ang pag-aresto sa kanya ng  Criminal investigation and Detection Group (CIDG) at ng Military Intelligence Group sa Calumpang, Molo.

Sa ngayon mas-pinaigting naman ng mga kapulisan ang seguridad sa lahat ng bayan sa Aklan at sa kalapit na probinsya.

No comments:

Post a Comment