Pages

Wednesday, August 12, 2015

NSA-Aklan, hinimok ang publiko na seryosohin ang Population survey

Posted August 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for census in the philippinesHinimok ng National Statistics Authority (NSA) Aklan ang publiko na seryosohin ang mid-decade nationwide population survey 2015 na nagsimula kahapon.

Ayon sa NSA Aklan, kapag hindi sineryoso ang mga tanong sa survey ay maaaring mabigyan ng penalidad ang mapatunayang hindi accurate sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Nabatid namang nahihirapan ang NSA na isa­gawa ang mga survey sa mga pangunahing lungsod dahil hindi nagiging cooperative ang mga tinatanong lalo na ang mga nasa executive villages.

Ngunit hindi naman umano katulad sa lower class na lipunan na mas mataas ang cooperation rates kumpara sa mga nasa class A at B dahil kadalasang wala ang mga ito dahil nasa opisina sa tuwing isinasagawa ang mga surveys.

Samantala, pinayuhan naman ang lahat na makilahok sa 2015 Census of Population ng Philippine Statistics Authority para malaman ang kabuuang bilang ng populasyon sa bansa.

No comments:

Post a Comment