Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala ng buhay ng makita ang katawan ng isang ginang na
palutang-lutang sa dagat sa Brgy. Gibon bayan ng Nabas, Aklan.
Ang biktimang si Carmen Rada, 57-anyos at residente ng
nasabing lugar ay nakitang palutang-lutang sa ilog ng mga residente ng Gibon
base sa blotter report ng Nabas PNP Station.
Lumilitaw naman sa embistigasyon ng Nabas PNP na laging
naglalasing ang biktima kung saan palagi rin umano itong umaalis tuwing gabi at
kung saan-saan pumupunta ngunit hindi naman nila matukoy kung may pinagdadaaan
itong problema dahil kadalasan ay tahimik lang din ito.
Lumalabas pa sa report ng mga pulis na ito ay
nakipag-inuman muna sa kanyang live-in partner bago nagtungo sa baybayin kung
saan ang posibleng kalasingan ang siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Napag-alaman na ang biktima ay hiwalay na sa kanyang
asawa tatlong taon na ang nakakaraan habang mayroon din silang mga anak.
No comments:
Post a Comment