Pages

Tuesday, August 11, 2015

“MS Legend of the Seas” magdadala ng mahigit dalawang libong turista sa Boracay

Posted August 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for ms legend of the seasTinatayang nasa dalawang libo at pitumpung mga turista ang sakay ng “MS Legend of the Seas” na bibisita sa Boracay ngayong Agosto 21, 2015.

Ito ang kinumpirma ni Maricel Laxamana ng Wallem Philippines na siyang may hawak ng tour ng nasabing barko sa Pilipinas.

Ang MS Legend of the Seas ay pagmamay-ari ng Royal Caribbean na may gross tonnage na 70, 000, decks na 11, length na 376 ft, maximum beam na 105 ft, draft na 24.5 ft at crushing speed na 22-24 knots habang mayroon naman itong crew na 741 kung saan dalawang daan at anim naput anim rito ay mga Pinoy.

Kaugnay nito ang MS Legend of the Seas ay magmumula sa Maynila bago dumirtso ng Boracay alas-7 ng umaga at matapos ang departure nito ng alas-4 ng hapon ay tutungo naman itong Puerto Princesa Palawan bago dumirtsong Singapore.

Samantala, nangunguna sa mga sakay nito ay ang mga pasaherong Australian sinundan ng British at USA kung saan inaasahan namang may mga pasaherong Pinoy na kasama sa tour ng nasabing barko magmula sa Boracay hanggang sa Singapore.

Nabatid naman na bibisitahin ng mga ito ang mga pangunahing tourist spot sa Boracay kasama na ang pagkakaroon ng island hopping at ibat-ibang island activities.

No comments:

Post a Comment