Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakipagpulong na ngayong hapon ang Aklan Province sa
pamamagitan ng Jetty Port Administration sa mga law enforcers sa Boracay para
sa pagdating ng “MS Legend of the Seas sa Biyernes.
Ito ay sa pangunguna ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang kung saan napag-usapan rito ang paghahanda sa pagdating ng nasabing
barko ngayong Agosto 21, 2015 sa Boracay.
Kabilang sa mga dumalo sa isinagawang meeting ay ang
Philippine Coastguard, Boracay PNP, Philippine Navy at MAP kung saan kasama rin
dito ang mga concern agencies kagaya ng Red-Cross, Philippine Ports Authority,
MARINA, BIHA at Malay Municipal Tourism Office.
Dito napag-usapan ang seguridad na ilalatag para sa mga
sakay na pasahero ng barko, mga gagamiting bangka para sa island hopping at
area kung saan dadaong ang naturang cruship.
Dahil ito ang pangalawang pagbisita ng “MS Legend of the
Seas” sa Boracay kung saan nauna itong bumisita sa isla noong Oktobre 2012
tinitiyak naman ng Probinsya ng Aklan na magiging maganda parin ang pagsalubong
nito sa mahigit dalawang libong pasahero ng nasabing barko.
No comments:
Post a Comment