Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang kahalagahan sa paghahanda sa ibat-ibang kalamidad ang
siyang naging mensahe ni mayor John Yap sa pagdalo nito sa Synchronize scouting
sa Manoc-manoc Boracay nitong Sabado.
Sa daan-daang mag-aaral ng Manoc-manoc Elementary School
at Boracay National High School na kasama sa Synchronize scouting sinabi ni
mayor Yap na sa tama umanong paghahanda sa kaalaman ay mapapangalaan ang
sariling kaligtasan.
Sinabi din nito na kailangan ay sama-samang maging
responsible sa sariling kaligtasan kung saan dapat na din umano nila itong
simulan habang sila ay bata pa.
Kaugnay nito, sumailalim naman ang mga scouting students
sa orientation sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Council ng Malay kung saan isang drill din ang isinagawa ng MDRRMC
bilang paghahanda sa kalamidad katulad ng lindol.
Maliban dito dinaluhan din ng BFP Boracay ang naturang
programa kasama ang Philippine Coastguard at Philippine National Police na
nagbigay naman ng kanilang mga useful information sa mga kabataan.
Ang Synchronize scouting ay isang programa ng Department
of Education (DepEd) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng makabuluhang aktibidad
para sa mga kabataan na kinabibibilangan ng Girl Scout, Boys Scout at Cabs
scout of the Philippines.
No comments:
Post a Comment