Pages

Monday, August 10, 2015

“Kabalikat ni Juan” ilulunsad ng LGU Malay, para sa pangangalaga ng kapaligiran

Posted August 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for environmental programNgayong alas-9 ng umaga ay ililunsad ng Local Government Unit ng Malay ang “Kabalikat ni Jaun” para ma-protektahan ang kapaligiran.

Ang Kabalikat ni Juan ay isang bagong local television program na magbibigay ng impormasyon sa lokal na komunidad tungkol sa pagsisikap ng LGU Malay at ng Non-Government Organizations (NGOs) bilang kanilang aktibong partner proponent sa pag-protekta sa kapaligiran.

Isa sa kanilang misyon ay ang himukin ang komunidad na maging parti ng environmental program ng LGU Malay lalo na ang mga kabataan sa Malay kung saan magkakaroon din sila ng segment sa nasabing television program.

Samantala, ang launching ng “Kabalikat ni Jaun” ay gaganapin ngayong alas-9 ng umaga sa Eurotel Boracay, Station 2 Balabag, Malay, Aklan.

No comments:

Post a Comment