Posted July 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nais ngayong isulong ng Provincial Health Office (PHO)
Aklan para masiguro ang serbisyong pagkalusugan sa mga barangay sa lalawigan.
Ito ngayon ang panawagan ni Dr. Cornelio Cuachon,
provincial health officer ng Aklan, ayon kay Dr. Cuachon nais nilang bigyang
prayoridad ang newborn screening, campaign against zero HIV-AIDS at kalahatang
pangkalusugan.
Dahil dito nagsumiti na rin umano sila ng proposal sa
Department of Health (DOH) para sa pagpapatayo ng health center sa mga barangay
sa probinsya na wala pa nito.
Samantala, nabatid na nito lamang buwan ng Hulyo ay
nakipagtulungan ang Provincial Health Office ng Aklan sa programa ng Department
of Health na Kalusugang Pangkalahatan (KP Roadshow) na ginanap
sa bayan ng Tangalan.
Ang nasabing programa ay nakatuon para sa kalusugan ng
mga buntis, senior citizen, mga bata at miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender (LGBT).
No comments:
Post a Comment