Posted July 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas hihigpitan umano ngayon ng Boracay Island Special
Fire Protection Unit (BISFPU) ang kanilang implementasyon sa fire code of the
Philippines sa Boracay.
Ito ay kasunod ng nangyaring sunog sa Valenzuela City na
ikinasawi ng mahigit 70 trabahador at sa Talipapa Bukid Boracay na tumupok ng
napakaraming bahay at establisyemento.
Dahil dito sinabi ni BISFPU Fire Inspector Stephen
Jardeleza na mas hihigpitan nila ngayong ipatupad ang fire code sa isla kung
saan napag-alaman na maraming establisyemento ang hindi sumusunod nito.
Aniya, napakarami ngayong nakatayong structures sa
Boracay na walang fire code compliance at building code of the Philippines na kung
saan ay ito dapat ang kanilang sinusunod.
Sinabi nito na maaaring mapatawan ang mga ito ng
penalidad kung saan magmumula mismo ang deriktiba sa kanilang National at
Regional Headquarters.
Samanatala, nais ng BISFPU na magkaroon ang lahat ng
estalisyemento sa Boracay ng fire code para sa proteksyon ng lahat ng mga tao o
occupant ng building.
No comments:
Post a Comment