Posted July 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling naalarma ang Boracay Land Transportation Multi
Purpose Cooperative (BLTMPC) sa mga tricycle driver na naniningil ng mahal sa
Boracay.
Ito’y matapos na dumalog sa tanggapan ng YES FM Boracay
ang isang turistang babae kasama ang mga kapatid nito dahil sa umano’y
paniningil sa kanila ng isang driver ng tatlong daang peso mula sa Yapak Puka
Beach hanggang sa Fairways Balabag na sobrang taas kumpara sa normal na pamashe
na aabot lamang ng P200 mula sa Port hanggang sa dulo ng isla.
Ayon sa nagrereklamong babae masyadong mahal ang tatlong
daan dahil sa malapit lamang ang kanilang bababaan kung saan ikinagalit din
nito ang pagmumura sa kanila ng driver.
Kaugnay nito sinabi naman ni BLTMPC Operations Manager
Enrique Gelito na kung may mga ganitong reklamo ay dapat na pumunta sa kanilang
tanggapan dahil meron umano silang complain form na siyang pagbabasehan ng
magiging opensa sa mga driver.
Samantala, ang tatlong opinsa sa mga driver sakaling sila
ay inireklamo ay 10 days suspension sa pagbiyahe pangalawa ay 15 days at ang
pangatlo ay ang pagpapahinto sa kanilang mamasada.
Nabatid na kabilang sa mga natatanggap na reklamo ng
BLTMPC ay ang pagiging arogante ng ibang mga driver at hindi pagpapasakay o
pagpili ng mga pasahero.
No comments:
Post a Comment