Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nais ipagwalang-bisa ni Governor Florencio Miraflores ang
resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Malay na One Entry One Exit Policy sa Tabon
at Tambisaan Port tuwing Habagat.
Ito ang nilalaman ng kanyang sulat na ipinadala kay Mayor
John Yap at kay Vice Mayor Wilbec Gelito ng Malay nitong Hulyo 3.
Nabatid na umalma ang Provincial Government ng Aklan
dahil sa resolusyong No. 073 series of 2014 ni Malay SB Member Floribar
Baustista at ni Liga President Abram Sualog kung saan ito ay entitled bilang “Resolution
Establishing Tabon Port And Tambisaan Port as Regular Port Of Entry and Exit to
and From Boracay Island sa panahon ng Southwest Monsoon o Habagat Season.
Nakasaad din dito na ang nasabing resolusyon ay hindi
opisyal na dumaan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan para e-review o pag-aaralan.
Ayon naman kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang
resolusyon umanong ito ay sumasalungat sa Provincial Ordinance No. 05-032 (An
Ordinance Implementing The Regulations of the One Entry/Exit Policy To/ From
Boracay Island para sa Preservation, Protection, Security and Safety of the
Provincial Tourism Assets and Resources and Prescribing Penalties For
Violations Thereof).
Dagdag pa ni Maquirang, na dapat bago inakda
itong resolusyon ay pinatawag muna ang Jetty Port at ang province kasama ang
lahat ng transport groups para hindi magkalito-lito.
Samantala, dahil dito nais ni Governor Miraflores na
ipagwalang-bisa ang resolusyon na No.073, series of 2014 ng SB Malay.
No comments:
Post a Comment