Pages

Friday, July 10, 2015

Pag-alaga at pagdala ng buhay na baboy sa Boracay, mahigpit na ipinagbabawal

Posted July 10, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BaboyMahigpit ngayong ipinagbabawal ng Environmental Management Services ng LGU Malay ang pag-aalaga at pagdadala ng buhay na baboy sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay EMS Administrative Assistant Al Lumagod, ang kanilang ginagawang ito ay para mapangalagaan ang kalikasan ng isla ng Boracay dahil sa maaaring humalo sa tubig baha ang dumi ng baboy.

Dahil dito, ipapatawag umano nila ang lahat ng piggery owners sa Boracay upang maipaabot sa kanila ang existing ordinance ng LGU Malay kaugnay sa mahigpit na pagbabawal ng pag-aalaga ng baboy sa Boracay.

Maliban dito sinabi naman ni Lumagod na nirerespito nila ang mga nag-aalaga ngayon ng baboy sa Boracay dahil sa pinagkukunan umano nila ito ng kabuhayan kung kayat hindi pa nila ito mapapahinto agad-agad.

Samantala, idiniin nito na kung sakaling may makita silang itinatawid na buhay na baboy sa Boracay ay bibigyan umano ang mga ito ng violation ticket ng Municipal Auxiliary Police (MAP) o kaya mauwi sa pag-kumpiska ng kanilang baboy.

No comments:

Post a Comment