Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inalmahan ngayon ng Aklan Province ang pagtawag ng Local
Government Unit ng Malay na regular one entry one exit policy sa Tabon at
Tambisaan Port sa tuwing panahon ng Habagat.
Ito ay matapos na magkaroon ng resolusyon ang Sangguniang
Bayan ng Malay na nagdedeklara na ang Tambisaan at Tabon Port ang magiging
regular one entry one exit policy sa kasagsagan ng Southwest monsoon o Habagat.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, hindi
umano puwedi ang resolusyong ito ng Malay dahil meron aniyang ordinansa ang
Aklan Province na ang Cagban at Caticlan Jetty Port ang siyang one entry one
exit policy ng mga pasahero sa Boracay.
Sinabi nito na dahil sa konsiderasyon ay pinahihintulutan
nila ang Tabon at Tambisaan bilang isang alternative lamang sa tuwing malakas
ang Habagat ngunit kapag maganda naman umano ang panahon at hindi malakas ang
alon ay awtomatikong ibabalik sa Cagban at Caticlan ang biyahe ng mga bangka.
Dagdag pa ni Maquirang na sumulat umano si Aklan Governor
Florencio Miraflores kay Malay Mayor John Yap at naka-atensyon kay Vice Mayor
Wilbec Gelito na ang sinasabi umano nilang resolusyon ay contravenes sa
ordinance No. 05-06 sa emplementasyon sa regulation ng one entry one exit
policy to or from Boracay Island.
Nabatid na ang No. 073 series of 2014 na resolusyon ay
iniakda ni Malay SB Member Floribar Bautista at ni Liga President Abram Sualog na
nagdedeklara na ang Tambisaan at Tabon Port ang siyang magiging regular one
entry one exit police sa tuwing Habagat.
No comments:
Post a Comment