Posted July 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malaki umanong tulong sa isla ng Boracay ang ginawang testing
at commissioning ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority
(TIEZA) sa pumping station sa Bulabog beach.
Ito ang sinabi ni Engr. Giovanni Rullan, TIEZA
consultant at head ng nasabing project matapos ang kanilang ginawang
commissioning nitong nakaraang linggo sa nasabing area.
Aniya, matagumpay umano ang kanilang ginawang
operation sa paglinis ng kanal partikular sa D’mall, Regency at Mandarin area na
bahagi ng kanilang phase 1 project.
Sinabi pa nito na ang tubig sa Bulabog beach
ay hindi maapektuhan ng kanilang ginawang testing at commissioning dahil bago
umano nila ito pinalabas ay gumamit muna sila ng organic minerals sa pumping
station ng halos isang buwan para hindi ito mangamoy bago ipalabas.
Samantala, sa ngayon umano ay nasa proseso na
sila para sa pag-turn over ng nasabing pumping station sa Boracay Island Water
Company (BIWC) kung saan mayroon umano silang joint agreement para rito.
Dagdag nito na kung sakaling maiturn-over na
ito sa BIWC ay sila na ang magtutuloy sa maintenance ng nasabing drainage
system.
Nabatid na ang first phase project na ito ay
nagkakahalaga ng P85-million para mabawasan ang mga pagbaha partikular sa
11-hectare central business district ng Boracay.
No comments:
Post a Comment