Posted July 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang ginagawang manhunt operation ng Malay
PNP sa suspek na tumangay ng sinasabing P1.3 M halaga ng pera at alahas sa Brgy.
Caticlan ng nasabing bayan.
Bagamat tumangging pangalan ng embestigador ng Malay PNP
ang suspek mayroon naman umano silang nakalap na impormasyo na nagtatago lang
ito ngayon sa mismong bayan na kanila na ring minomonitor.
Biktima umano rito ang mag-asawa at may-ari ng bahay na sina
Ernesto at Edina Sitjar na sinasabing mga negosyante.
Sa embestigasyon ng Malay PNP, madaling araw pa ng umalis
ng bahay ang mag-asawa para sa isang business transaction kung saan naiwan rito
ang kanilang anak na natutulog.
Sinasabing minamanman ang mag-asawag umalis kung kayat
dito nakakuha ng pagkakataon ang suspek na pasukin ang naturang bahay at magnakaw.
Nabatid pa na ang naiwang anak ng mga ito ay iginapos at
saka ikinulong sa banyo ng suspek kung saan malaya nitong natangay ang mga
sinasabing alahas at pera ng mga biktima sa kwarto.
No comments:
Post a Comment