Posted July 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit: Lowelly Yabut Rogan |
Halos kumpleto na umano ang 18 wind mill project ng
PetroWind Energy na itinayo sa brgy. Pawa, Nabas, Aklan at sa porsyon ng brgy.
Napaan sa bayan ng Malay.
Ito ang sinabi ni Administrative Officer Benedict Vega ng
PetroWind Energy Incorporated sa pagdalo nito sa 25th Regular SB
Session ng Malay nitong Martes.
Ayon kay Vega handa ng makapagsuplay ng kuryente o makapag-generate
ng malinis na power ng kuryente ang 18 wind mill sa lalawigan ng Aklan lalo na
sa isla ng Boracay at sa mga kalapit na lalawigan.
Layunin umano ng wind mill project na ito ay ang pag-generate
ng environmental friendly clean energy.
Dagdag pa ni Vega na patuloy ngayon ang kanilang
ginagawang coco fiber at Erosion Mat Installation sa area ng wind mill para
hindi mabuwal ang kanilang mga hinukay na lupa kasabay ang pagtatanim ng
ibat-ibang klase ng puno sa lugar.
Samantala, sakaling maging polido na ang proyekto ng
PetroWind sa Nabas at Malay ay posibleng bubuksan ito sa publiko bilang isang
tourist attraction.
No comments:
Post a Comment