Pages

Friday, July 24, 2015

Mahigit 26 na libong botante sa Malay sumailalim na sa biometrics registration

Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for no bio no botoNasa mahigit 26 anim na libo na umanong botante sa bayan ng Malay ang sumailalim sa biometrics registration ng Commission on Election (COMELEC).

Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, ito ay dahil sa puspusan nilang kampanya ng “No Bio-No Boto” para sa darating na halalan 2016.

Sa ngayon umano ay may kabuuang 28 libong botante ang nakarehistro sa kanila ngunit ang mahigit isang libo umano rito ay wala pang biometrics.

Binigyang diin nito na ang nakarehistro na hindi sumailalim sa biometrics ay hindi rin makakaboto sa darating na halalan dahil kinakailangan muna nilang dumaan sa capturing ng biometrics, registration record at pirma.

Dahil dito patuloy parin ang ginagawang panawagan ng COMELEC Malay sa mga wala pang biometrics na kung maaari ay mag-parehistro na upang makabuto sa isasagawang halalan sa Mayo 9, 2016.

Samantala, dadayo naman ang COMELEC Malay sa brgy. ng Caticlan ngayong Lunes para sa mga hindi pa nakapagrehistro gayon din sa brgy. ng Manoc-manoc sa buwan ng Agosto.

No comments:

Post a Comment