Posted July 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas pinalawak pa ngayon ng Municipal Health Office ng
Malay ang HIV counseling sa lahat ng mamamayan at manggagawa sa isla ng
Boracay.
Ito ay matapos na ikabahala ng MHO ang tumataas na kaso
ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lalawigan ng Aklan kung saan ang bayan
ng Malay ang isa sa may pinakamataas na kaso ng nakakamatay na karamdaman sa
probinsya.
Ayon naman kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health
and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, dumadayo umano sila ngayon sa
mga hotel at establisyemento sa Boracay para magsagawa ng HIV-counseling sa mga
empleyado.
Maliban dito kasama rin umano sa Health Education
Activities sa mga paaralan sa Boracay ang tungkol sa HIV upang mabigyang
kaalaman ang mga kabataan sa maidudulot nito sa buhay.
Dagdag pa ni Aspiras hinihikayat umano nila ang tinatawag
na 100 percent condom use program para sa proteksyon kontra sa STD, HIV at
AIDS.
Nabatid na patuloy na ngayong nadadagdagan ang kaso ng
naturang karamdaman sa probinsya na ikinabala naman ng mga Health Officials sa
lalawigan.
No comments:
Post a Comment