Posted July 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Magiging katuwang ng Provincial Health Office ng Aklan at
ng Department of Health (DOH) ang Aklan Provincial Police Office (APPO) para sa
kampanya laban sa HIV, STI, STD sa probinsya.
Ito ay sa pangunguna ng Aklan PPO Public Information
Office at Police Community Relations Branch kung saan dumalo ang mga ito sa
isinagawang meeting para sa World Aids Day 2015 na inorganisa ng Provincial
Health Office.
Nabatid na ang buong council ay may layunin na mapalawak
ang kampanya para maiwasan ang paglaganap ng karamdaman na HIV, STI, STD at iba
pang nakakamatay na sakit.
Maliban dito ang iba pang mga programa ng Aklan PPO ay ipinapaabot
sa mga mamamayan sa probinsya sa pamamagitan ng radyo at social media.
Samantala ipagdiriwang naman ngayong buwan ng Disyembre
ang Worlds Aids Day na may layuning ipalaganap ang kaalaman sa lahat ng
mamamayan at kung paano maiiwasan ang naturang mga karamdaman.
No comments:
Post a Comment