Posted July 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlong taon pa umano ang aantayin bago tuluyang
makumpleto ang construction at expansion project ng ginagawang Caticlan
Airport.
Ito ang sinabi ni Engr. Edgar Doña ng TransAir matapos na
maimbitahan ang mga ito sa 23rd SB Session ng Malay kahapon.
Ayon kay Engineer Doña ang proyekto umanong ito ay
nagsimula noong 2010 kung saan ngayon ay natapos na nila ang 1, 650 meters
runway na kadugtong ng 900 meters sa kasalukuyang ginagamit ng paliparan.
Umaasa umano sila na makukumpleto ang 1, 800 meters run
way para ma-accommodate ang malalaking aircraft sa Marso 2016.
Samantala, sinabi nito na maaari na silang tumanggap ng
eroplano na may 70-80 pax passengers ngayong buwan ng Oktobre sakaling mabigyan
sila ng permit ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Nabatid na limitado lamang ngayon ang biyahe ng mga
eroplano sa nasabing paliparan kung saan tumatanggap lamang sila ng maliliit na
eroplano at day-time lang din ang kanilang operasyon.
Ang Caticlan Airport ay balak gawing International
Airport dahil sa dumaraming mga turista ang nagbabakasyon sa isla ng Boracay
mula sa ibat-ibang panig ng mundo.
No comments:
Post a Comment