Posted July 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ngayong nagpapagaling sa isang pagamutan sa Aklan
ang mag-amang sakay ng nahulog na 10 wheeler truck na may lalim na 44ft sa
Brgy. Libertad, Nabas, Aklan.
Ayon kay PO3 Andy Cordero ng Nabas PNP Station,
minamaneho umano ng amang si Bigos Mañas, 45 anyos ng Tondo, Manila ang
nasabing sasakyan kasama ang anak nitong si Jomar Mañas, 18 ng mawalan ng
kontrol dahil sa bigat ng kargang kahoy na dadalhin sanang Maynila sakay ng
Roro Vessel.
Sinabi ni Cordero na bago mangyari ang insidente ay
tumagilid pa ang truck sa kalsada kung kayat tuluyan na itong nahulog sa bangin
na may sukat na 44 na talampakan.
Samantala, paalala naman ng Nabas PNP na mag-ingat sa
pagmamaneho ng sasakyan sa mga area na pakurbada ang kalsada lalo na sa Nabas
at kung may kabigatan ang kanilang karga dahil may posibilidad itong tumagilid
lalo na kung paakyat na bahagi ang kanilang tinatahak.
No comments:
Post a Comment