Posted July 14, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinalakay sa Incoming and Referral ng Sangguniang Bayan
ng Malay ang Request ng Municipal Mayor na pumasok sa Memorandum of
Understanding.
Ito ay sa pamamagitan ng TransAire Corporation at San
Miguel Corporation para sa paglipat ng paaralan ng Caticlan Elementary School.
Nabatid na hinahanapan na ngayon ng LGU Malay ng
malilipatan ang nasabing paaralan dahil sa patuloy na construction at expansion
project ng Caticlan Airport kung saan kabilang sa apektado ang naturang
paaralan.
Napag-alaman na ang lupang tinatayuan ngayon ng Caticlan
Elementary School ay kabilang sa mga biniling lupa ng TransAire Corporation
para sa ginagawang Airport.
Kaugnay nito matagal na ring hiling ng mga guro sa
Caticlan Elementary School na mailipat ang kanilang paaralan dahil sa apektado
ang kanilang pagtuturo dulot ng malakas na tunog ng mga eroplano sa nasabing
paliparan.
Samantala nais naman ng SB Malay na pag-aralan muna ito
ng Committee on Laws, Education at Committee on Land Use.
No comments:
Post a Comment