Posted July 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang makipagpulong ang Department of Education
(DepEd) Aklan kasama ang mga stakeholders kaugnay sa K to 12 program.
Ito ay gaganapin bukas araw ng Miyerkules sa ABL Sports
Complex sa bayan ng Kalibo simula alas-9
ng umaga na kung saan ay may tema itong “Ang K to 12, Kayang-kaya Kapag
Sama-sama”.
Dahil dito hinihikayat ni Aklan School District
Superintendent Dr. Jesse Gomez, ang lahat ng mga namumuno sa probinsya, bayan
at barangay na dumalo para rito upang lalong maintindihan ng mga leader kung
ano talaga ang tinatawag na K to 12.
Hinihiling din ni Gomez na dumalo rito ang representante
ng mga ahensya ng gobyerno na kabilang sa edukasyon , media at General PTA
President ng lahat ng public at private kindergarten, elementary, secondary at
integrated school sa Aklan.
Ayon pa sa Division Aklan, ito ay isang mahalagang
okasyon para masiguro ang tagumpay ng implentasyon ng K to 12 Basic Education
Program lalo na sa Senior High School.
Samantala, inaasahan naman ang pagdating nina Congressman
Teodorico Harisco Jr., Governor Florencio Miraflores at Vice Governor Billie
Calizo Quimpo sa naturang pagpupulong.
No comments:
Post a Comment