Posted June 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinangunahan ng friends of flying fox ang petisyon na
umabot sa 10, 000 nito lamang hapon ang panawagan para isalba ang isla ng
Boracay at sa proteksyon ng kalikasan nito.
Dahil dito magkakaroon ang nasabing grupo ng Solidarity
at Unity gathering para hikayatin ang lahat na sumama lalo na ang yaong nagmamasalakit
para sa isla ng Boracay ngayong ala-6 ng gabi sa harap ng Willys Rock station
1.
Ayon kay BFI Board of Director at Motag Brgy. Captain
Neneth Graft ang pagtitipong ito ay walang halong pamumulitika at hindi isang
pag-proprotesta.
Ito din umano ay pagpapakita sa buong mundo na ang mga
taga Boracay ay hindi natutulog at may ginagawa para pangalagaan ang kalikasan
ng isla.
Sinabi pa ni Graft na ang petisyong ito ay para
pangalagaan ang kumukunting flying farmers o may local term na “Kabog” dahil sa
lumiliit nilang habitat area dahil sa patuloy na development sa Boracay.
Kaugnay nito lahat ng mga nagmamahal sa Boracay ay
inaanyayahang dumalo sa nasabing pagtitipon para sa isang symbolic lighting of
candle bilang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at concern sa environment ng
Boracay.
Samantala, magkakaroon din mamaya ng signing of petition
para sa lahat ng mga dadalo sa Solidarity at Unity gathering na kung saan ay ipapasa
naman ito sa Department of Environmental Resources (DENR).
No comments:
Post a Comment