Posted June 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dinaluhan ng ibat-ibang pribadong sektor at mamamayan sa
Boracay ang ginawang Public Information and Communication on Rate Adjustment ng
BIWC at TIEZA kaninang umaga.
Sa nasabing pagpupulong tinalakay ang bagong adjustment
sa singil ng tubig ng Boracay Island Water Company (BIWC) at Tourism
Infrastructure Economic Zone Authority (TIEZA) para sa isla.
Bagamat may bahagyang pagtaas ng singil sa tubig iginiit
naman ng BIWC na may sapat silang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng rate
adjustment.
Ayon kay BIWC General Manager Mike Santos, ang suplay
umano ng tubig sa Boracay ay nanggagaling pa sa Nabaoy River sa mainland Malay
kung saan ginagamitan pa umano nila ito ng Submarine piping system na idinadaan
pa sa ilalim ng tubig patawid ng Boracay.
Sa ngayon din umano ay dumarami na ang mga gumagamit ng
tubig sa isla dahil sa kaliwat kanang pagpapatayo ng mga establisyemento.
Sinabi din nito na kung noong buwan ng Marso ang
nagagamit lamang na cubic meters ng tubig ay 14, 000 bawat araw ngayon umano ay
tumaas na ito sa 16,000 cubic meters.
Samantala, inaasahang isang pagpupulong pa ang magaganap
matapos na hilingin ng ilan sa mga dumalo na kung papaano talaga ang ginawang
pag-aaral at karagdang dahilan kung bakit mataas ang singil ng tubig sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment