Posted June 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsagawa ng pag-iikot sa mga paaralan sa bayan ng Malay
ang Department of Education (DepEd) ng nasabing distrito sa unang araw ng
pasukan kahapon.
Ito ay para kamustahin ang mga mag-aaral sa kanilang
pagbabalik eskwela at upang malaman kung mayroong mga problema na kailangang
agad bigyan ng solusyon.
Ayon kay Malay District Supervisor Jessie Flores, taon-taon
umano nila itong ginagawa lalo na sa unang araw ng pagbubukas ng klase dahil
dito umano nila makikita kung mayroong pagkukulang sa mga upuan at silid-aralan
depindi sa kung gaano kadaming mag-aaral ang nag-enroll.
Maliban dito nais ring malaman ni Flores ang impact sa
mga mag-aaral ng bagong K-12 program na ipinatupad ng DepEd.
Kaugnay nito inaasahan pa umano nila na maraming mga
batang mag-aaral ang maghahabol para makapag-enroll ngayong pasukan.
Samantala, hinikayat naman ng DepEd Malay ang lahat ng
mga magulang na ipasok ang kanilang mga anak na out of school youth sa mga
paaralan lalo na at wala namang bayad ang magpa-enroll.
No comments:
Post a Comment