Posted June 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Masayang tinanggap ng BES o Balabag Elementary School ang
kanilang mga bagong mag-aaral, kasabay ng pagbubukas ng klase sa buong bansa
ngayong araw.
Sa isang maikling programa kaninang umaga, ipinakilala
mismo ni BES School Principal Ligaya Aparicio ang mga class advisers sa
kanilang mga bagong mag-aaral.
Kasama ang kanilang mga magulang, naging masaya din ang
mga mag-aaral sa pagtanggap sa kanila ng eskwelahan, maging sa mga huli at
nitong umaga lamang nagpa-enroll.
Kaugnay nito, bagama’t wala pang kumpletong datus sa
bilang ng mga nagpa-enroll, sinabi naman ni Aparicio na tuloy parin ang
kanilang pagtanggap ng mga magpapa-enroll hanggang June 5.
Subali’t paalala nito sa mga magulang na magiging late
enrollees na ang kanilang mga anak kapag lumagpas pa sa nasabing petsa ang
pagpapa-enroll.
Samantala, nabatid na may kabuuang 44 na guro ang BES
mula Kinder hanggang Grade 6, maliban pa sa anim na Madrassah Education
Teachers na siyang nagtuturo sa mga muslim na mag-aaral.
No comments:
Post a Comment