Posted June 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ito’y matapos na ilang mga organisasyon ang nag-post ng
mga larawan ng ginagawang construction sa social media partikular sa facebook
at nagpaabot ng pagkabahala sa sinasapit ngayon ng Boracay.
Nabatid na ilang linggo na rin ang nakalipas matapos na pumutok
ang naturang isyu ng pagpapatayo ng instraktura sa iniingatang Puka Beach ngunit
trending parin ito ngayon lalo na sa mga taga Aklan.
Dahil sa inis ng mga nitizens may nag-post naman sa
facebook na tinawag na ang isla ay "The Little Island City of Boracay"
kung saan may naghamon din na magtayo nalang ng SM City at Disneyland sa Boracay.
Kaugnay nito wala pang naging tugon sa mga nasabing
panawagan ang mga kinauukulan katulad ng DENR, Aklan Government at LGU Malay matapos
silang kalampagin ng mga environmental groups advocate.
No comments:
Post a Comment