Posted June 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Base sa inisyal na impormasyon, nagsimula ang sunog sa
likurang bahagi ng isang tindahan na unang tumupok sa mahigit kumulang sampung
kabahayan.
Subali’t mabilis na lumobo ang bilang ng mga nasunog na
habay at establisemyento dahil sa malakas na hangin.

Samantala, naging pahirapan ang pagresponde at pag-apula
ng apoy ng mga bombero dahil sa kasikipan ng lugar, kung kaya’t halos buong
pwersang kumontrol sa trapiko at mga nakikiusyuso sa lugar ang mga taga Boracay
PNP.
Nagsmistula namang talipapa ang mga karatig resort sa
lugar nang buksan nila ang kanilang gate upang pansamantalang makisilong at may
mapaglagyan ng mga hinakot na gamit ang mga nasunogang residente.
Patuloy namang iniimbistigahan ang sanhi ng sunog na
umabot ng halos tatlong oras.
No comments:
Post a Comment