Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa panayam ng YES FM Boracay kay Municipal Welfare
Development Office Rachel Bangkaya ng LGU Malay, sinabi nito na patuloy na
nakakatanggap ng tulong ang mga nasabing biktima kung saan may nakatakda pa
umanong dumating para sa mga ito.
Ayon pa kay Bangkaya nakatanggap din kahapon ang mga
biktima ng mga gamit sa kusina katulad ng mga kaldero at plato mula sa Office
of the Civil Defense.
Dagdag pa nito na ang ilan sa mga biktima ay hindi
nakakuha ng mga relief goods dahil sa hindi na umano ang mga ito nakabalik sa
kanilang tanggapan matapos na magpalista.
Samantala, wala na rin umanong mga natitirang biktima ng
sunog sa evacuation center kung saan karamihan sa mga ito ay nakahanap na ng
bagong matutuluyan at umuwi na rin sa kani-kanilang mga lugar.
No comments:
Post a Comment