Pages

Tuesday, June 02, 2015

Police officials pinasasagot sa 'allowance scam' ng mga pulis sa APEC sa Boracay

Posted June 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinasasagot ngayon ni PNP Public Information Officer chief S/Supt. Bartolome Tobias ang pamunuan ng Police Regional Office 6 (PRO6).

Ito ay kaugnay sa pumutok na balitang nagreklamo ang mga pulis sa umano’y pag-ipit ng kanilang allowance nang ma-deploy ang mga ito sa Boracay dahil sa ginanap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ministerial meeting nitong nakaraang buwan ng Mayo.

Mismong si Tobias ang tumawag sa atensyon ng regional office kaugnay sa kontrobersiya matapos lumantad ang ilang mga pulis na tumanggi namang magbigay ng kanilang pangalan.

Nabatid na natuklasan na mayroong palang allowance na inilaan sa mga pulis ngunit hindi ito ibinigay sa kanila sa halip ay kumuha umano ng caterer ang PRO6 na sinasabing pinamamahalaan ng misis ni PRO6 director C/Supt. Josephus Angan.

Sa naging panayam naman ng YES FM Boracay kay Information Officer Region 6 at itinalagang Official Spokesperson for APEC Police Inspector Shiela Mae Sangrines, Sinabi nito na mahigpit na ipinagbabawal ng PNP ang pagbibigy ng additional cash allowances sa mga pulis sa oras ng kanilang operasyon sa Boracay dahil ito umano ay isang violation.

Base pa sa mga kumakalat na kwento palagi umanong huli kung dumating ang pack lunch mula sa ibat-ibang caterer sa Boracay na sinasabing kadalasan ay napapanis na at kakaunti pa.

Maliban dito may mga pulis na bumili nalang ng kanilang sariling rice cooker para makapagluto sa kanilang billeting area gamit ang kanilang sariling pera kung saan may nagsasabi naman na pinapagalitan sila kung nakikitang kumakain sa mga restaurant.

Samantala, daing pa ng mga pulis na nauubos ang kanilang pera, at may kamahalaan ang mga pagkain sa Boracay at kanya-kanya din umano silang pamasahe pauwi matapos ang deployment ng halos tatlong linggo para sa pagpapagiting ng seguridad sa naturang meeting.

No comments:

Post a Comment