Posted June 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Base sa report ng Malay PNP, napansin mismo ni Cubay Sur
Barangay Captain Neil Quintin ang biktimang si Jony Cadahing, 19 anyos ng
Laserna Nabas na nagpapaantok sa isang tabi habang ginaganap ang sayawan.
Subali’t nilapitan umano ng suspek na si Willie Valliente,
39 anyos ng San Vicente, Culasi Antique ang biktima at pasimpleng sinaksak sa
likuran.
Nakumpirma lamang ng kapitan na nasaksak nga ang biktima
nang lapitan niya ito.
Samantala, kaagad namang nahabol ng barangay tanod, ilang
residente at pulis sa lugar ang suspek, resulta ng kanyang pagkakaaresto.
Isa sa tinitingnang rason ng mga otoridad sa pananaksak
ang posibleng dating alitan ng dalawa.
No comments:
Post a Comment