Pages

Wednesday, June 10, 2015

Boracay, patuloy na kinakalampag ng usapin kaugnay sa itinatayong resort sa Puka Beach

Posted June 10, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay   

Ihinto na ang pagpapatayo ng mga gusali sa Boracay!

Isa lamang ito sa mga sigaw ng mga residente at mga Netizens sa isla na patuloy na kumakalampag sa natatanging tourist destination sa buong mundo.

Bunsod ito ng nagpapatuloy na construction sa Puka Beach area sa Barangay Yapak na labis na tinututulan ng mga nagmamalasakit sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, sinubukan ng himpilang ito na kunan ng pahayag ang iba’t-ibang personalidad at organisasyon tungkol sa usapin.

Nabatid na ‘hands off’ dito ang BFI o Boracay Foundation Inc., bagama’t ilan sa mga kasapi nito ang personal na nagpahayag ng pagtutol sa itinatayong Oceanpark o Seven Seas Resorts sa Barangay Yapak.

Napag-alaman din na patuloy na nangangalap ng suporta sa pamamagitan ng online petition ang grupong Friends of Flying Foxes upang ihinto ang sinasabing pagsira sa isla.
Samantala, aminado naman si SB Member Rowen Aguirre na pinuputakte na ngayon ng batikos sa social media ang DENR, LGU Malay at mismong si Malay Mayor John Yap tungkol sa usapin.

Magugunitang iginiit ni Aguirre sa Malay SB session nitong nakaraang taon na ipagbawal na ang pagkakaroon ng basement sa mga resort o establisemyeto dahil sa mabilis na paglabas ng tubig kahit ilang talampakan pa lamang ang hukay.

Base naman sa impormasyon, nakakaalarma ang ginagawang paghuhukay sa Puka Beach Area bagay na inalmahan ng mga concerned citezens.

No comments:

Post a Comment