Posted May 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Binida ni Aklan Governor Joeben Miraflores sa kanyang
welcome remarks ang turismo ng Boracay sa mga delegado ng Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) Summit.
Sa kanyang mensahe, sinabi nito na ang isla ng Boracay ay
isa sa mga importanting tourism destination hindi lamang sa probinsya ng Aklan kundi
maging sa buong bansa kung saan may malaking kontribusyon din umano ito sa
ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi pa nito, na ang Boracay ay isa na ngayong country’s
cruise haven matapos na makatanggap ng siyam na cruise ship visit nitong
nakaraang taon base umano sa maiden visit mula sa world’s most luxurious cruise
ship companies kung saan nitong 2015 labindalawang cruise ship ang naka-eskudyul na karamihan ay
Royal Caribbean.
Nabatid na ilan sa mga topiko sa APEC meeting sa Boracay
ang tungkol sa turismo kasama na ang pangkapayaan, internet connectivity at iba
pa.
Samantala, ang APEC Ministerial meeting sa Boracay ay
magtatapos ngayong Linggo na nagsimula naman noong Mayo 10 taong kasalukyan.
No comments:
Post a Comment